Pagtatalakay sa mga Imported at Local Goods sa Pamilihan sa loob at labas ng ating Bansa
Ang pamilihan ay isang lugar na ginagalawan natin sa araw-araw. Ang bawat bagay na mayroon tayo ay nagmula sa pamilihan. Mula pagkabata hanggang sa ating pagtanda hindi maiiwasan na tayo ay bumili ng mga produkto at serbisyo.
Ang pamilihan ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya sapagkat dito nagaganap ang pagpapalitan sa pagitan ng mangangalakal at konsumer. Gayunpaman, ang pamilihan ay isang komplikadong makroekonomiyang konsepto na may iba’t ibang uri ngunit may iisang katangian.
Ang lokal na pamilihan ay matatagpuan sa loob ng ating bansa. Dahil ito ay nasa loob ng bansa, kumikita ito ng salaping piso. Halimbawa nito ang mga sari-sari store, mall, at pamilihang bayan. Tinatawag din itong domestic market. Ang pamilihan naman sa labas ng bansa o foreign ay ang kasalungat ng lokal na pamilihan kung saan ang pamilihan ay wala sa territoryo ng bansa kung kaya’t nasa ibang bansa ang hurisdiksyon nito. Ito ay kumukita ng salaping dolyar o US dollar dahil ito ang currency na kinikilala sa buong mundo. Halimbawa nito ang mga pamilihan sa Hong Kong, Estados Unidos, at Hapon. Tinatawag rin itong foreign market, world market, o international market.
Comments
Post a Comment